Matapos ang pag-uusap na iyon ng mag-asawa. Nagpasya si Ace na suportahan nalang sa pagda-diet ang kanyang asawa. Sinasabayan niya ito sa pag-eexercise at maging sa pagkain. More on fish, egg, green leafy vegetables, chicken and pork silang mag-asawa. Sinunod nila ang lahat ng instruction sa video ni Doc. Basta lahat ng kinakain nila ay low carbs and talagang inalis na nila ang kanin, syempre iniwasan din nila ang lahat ng bawal, iyong mga foods na high carbs katulad ng mga sweets, process foods, bread, pasta at marami pang iba, maging sa fruits ingat na ingat din sila sa kinakain nila, yong mga pasok lang sa way ng diet nila ang kanilang kinakain. At nagpa-fasting din si Sailor, na-mentain nito ang 16:8 fasting. Siya naman hindi na siya nag-fasting dahil hindi naman siya mataba, gusto la