Habang nasa biyahe si Ashley kasama si Joshua sa kotse nito tagaktak ang kanyang pawis. First time niya kasing makipag-usap sa isang lalake ng ganito katagal.
"Ayos ka lang?" Tanong nito sakanya
"O..Oo ayos lang" Nakayuko siya habang nagmamaneho ito. Nakakaramdam siya ng kaba habang katabi niya ito.
"You know what? Masyado kang mahiyain. Maganda ka naman pero mahiyain ka"
Napalunok siya sa sinabi nito
"M..Maganda?"
"Yeah."
Napakapit siya ng husto sa seat belt ng kotse nito. Kanina pa siya pinapakilig ng lalakeng ito. Katulad noon pina-paasa padin nito ang munti niyang puso
"M..Magandang mukha lang ba ang gusto mo sa isang babae?" maya maya tanong niya kay Joshua habang nagmamaneho ito
"Well to be honest.. I like pretty girls. But sometimes it doesn't matter.. Because for me personality is more important... it makes me fall in love.."
Para itong may naalala sa nakaraan nito dahil tumahimik ito habang nagmamaneho
"P..Personality?"
"Hmm yeah. Kapag mabait naiinlove ako"
"N..Nainlove kana?"
"One time.. Long time ago.."
Napalunok siya.
"M..Mabuti ka pa"
Napakunot ang nuo nito.
"Why? Hindi ka pa ba naiinlove? Don't tell me nbsb ka?"
Muli siyang napalunok.
"O..Oo Nbsb ako.."
"Sa ganda mong yan?"
Napatingin siya kay Joshua. Namula ng husto ang kanyang mukha. Hindi padin siya sanay masabihan na maganda siya.
"H..Hindi pa ako naiinlove kahit kailan"
Napailing ito
"Mapili ka siguro?"
"W..Wala naman mapipili. Walang nanliligaw sakin"
"I don't believe you.."
Ngumiti siya ng tipid
"Sa kabilang kanto yung bahay namin. Kulay pulang gate.."
Itinabi nito ang kotse sa harap ng kanilang bahay.
"S..Salamat sa paghatid"
Lalabas na sana siya ng kotse nito ngunit pinigilan siya nito
"Hmm gusto ko sanang maki-inom ng tubig?"
"S..Sige"
Napangiti agad ito. Nauna na itong lumabas ng kotse at pinagbuksan siya ng pinto ng kotse nito.
Napakagentleman talaga nito.
Nakayuko siya habang binubuksan niya ang kanilang gate.
"Bakit ka ba laging nakayuko?" Hindi nito mapigilan magtanong
"A..Ah eh.. Nakasanayan lang"
Pinatuloy niya si Joshua sa kanilang bahay.
Maayos naman ang bahay nila dahil malaki ang sweldo niya kay mayor.
"Lola? Nandito na po ako" Medyo sigaw niya habang papasok sila ng kanilang bahay
Nakasunod lang si Joshua sakanya
"Apo nandito kana pala."
Pababa ito ng hagdanan kaya naman agad niyang inalalayan ang lola niya
"Lola dahan dahan po"
Nakatingin lang si Joshua habang inaalalayan niya ang kanyang lola
"Aba may bisita ka palang sobrang gwapo apo??"
Ngumiti si Joshua at nagmano ito sa kanyang lola.
"Good morning po.."
"Good morning din hijo.. "
"Lola siya po yung sumagip sakin kahapon"
"Ay siya nga ba? Thank you hijo sa pagsagip mo sa apo ko.. Kung wala ka baka napano na ang apo ko"
"Walang anuman po."
"Kumain na ba kayo? Halikayo may rice balls akong ginawa kakatapos ko lang gawin"
"Rice balls?" Bahagyang napakunot ang nuo nito
Napalunok siya sa tanong nito
Naalala pa ba ni Joshua yung rice balls ko noon?
"Oo hijo. Kumakain ka ba non?"
Ngumiti ito
"Opo. Pati na din itong cake na binigay ni Ash sakin. Pagsaluhan nalang po natin"
Napatingin sila ng kanyang lola sa paper bag na hawak nito
Simple siyang napangiti. Hangang ngayon pala hawak hawak padin nito ang paper bag na binigay niya
"Osige hijo halikayo pag saluhan natin yan"
Sinundan nila ang kanyang lola sa loob ng kitchen upang kumain ng rice balls.
Masarap gumawa ng rice balls ang kanyang lola. Mapapapikit ka talaga sa sobrang sarap at malinamnam
"I've tasted this before.."
Sabay silang napatingin kay Joshua.
"Talaga hijo?"
"I can still remember the taste.." Seryoso ang mukha nito
"B..Baka magkalasa lang. Sige kumain ka pa" Palusot niya
Kinakabahan na talaga siya..
"Baka nga.. Ang sarap po ng rice balls" kumuha pa itong muli at halatang nasarapan
Nag-ngitian silang dalawa ng kanyang lola
Madaming nakain si Joshua kaya naman tuwang tuwa ang lola niya
"Apo aalis nga pala ako ngayon.."
"Saan ka pupunta lola?"
"M..Mamalengke lang apo. Dito muna kayo ha. "
Hindi na sila nakasagot ni Joshua dahil nauna na itong makalabas ng bahay. Naiwan silang dalawa ni Joshua sa loob ng bahay nila
"I gotta go.."
"Uuwi kana?" dissapointed na tanong niya
Gusto niya pa kasi sanang makausap ito
"Hmm why?"
"W..Wala naman. Sige mag iingat ka--"
"Nagbago isip ko.. " Umupo ito sa sofa
"G..ganon ba? Manuod ka muna ng t.v--"
"Let's just talk.."
"Ano naman pag uusapan natin?"
"What's your job?" Panimulang tanong nito
"Secretary"
Napakunot agad ang nuo nito
"Secretary nino?"
"N..Nang isang company"
"What company?"
"B..Bakit ba ang dami mong tanong.. Home based secretary lang ako.."
Napatango tango ito
"Good. So you mean sa bahay ka lang nagtatrabaho?"
"Oo.. Mahiyain kasi ako.. T..Takot ako sa rejections.."
"Rejections? Lahat naman ng tao takot mareject.. You just have to be strong"
"B..Bakit ba ang dami mong tanong sakin joshua--"
"Because i want to know you more.."
Napalunok siya
"Ka..Kakakilala palang natin kahapon"
Napangiti agad ito
"Why? Masama bang getting to know each other agad tayo?"
"G..Getting to know each other?" Hindi makapaniwalang tanong niya
"Yeah. I want to know you more. Sana ganon ka din"
"W..Wala akong panahon para diyan" Napayuko siya.
hindi tayo pwedeng magkalapit Joshua lalo na kapag nalaman mo ang tunay kong itsura
"Ako madami akong panahon." Kinindatan siya nito bago ito tumayo
"Saan ka pupunta?"
"Aalis na.. Why? You missed me already?" Biro nito sakanya
Namula tuloy ng husto ang pisngi niya
"Akala ko kasi gusto mo pa akong makausap" Biro niya din kaya napangiti ito
"If thats the case kahit dito na ako matulog--"
Napalo niya tuloy ang braso nito dahil palabiro ito
"Sira.." Napapangiti talaga siya
"Wala ka palang time hmmm?" Tukso nito sakanya bago ito umupo muli sa sofa nila
"M..Mag uusap lang naman eh. Pwede naman tayong maging magkaibigan" umupo din siya sa sofa ngunit sa kabilang side.
Napatitig ito sakanya
"Ayokong maging kaibigan ka lang.. Liligawan kita sa ayaw at sa gusto mo"
Napalunok siya sa sinabi nito.
Nananaginip ba siya?