Grabe ang dami niyang follower...
Napabuntong hininga si Ashley ng mabisita niya ang i********: account ni Joshua. Mahigit 5 million ang follower nito sa i********:! Kahit apat na picture lang naman ang post nito. Karamihan sa post nito ay panay pusa?
Mahilig pala siya sa pusa?
Kakagawa lang ni Ashley ng kanyang i********: account dahil inutusan siya ni Joshua na gumawa nun.
Grabe nanliligaw palang siya sakin pero nang uutos na? -- Napangiti siya ng maalala niya ang pag uusap nila kanina habang wala pa ang kanyang lola.
Flashback...
"Anong cell phone number mo?"
"B..Bakit?"
"I'll call you.. Liligawan kita kaya dapat kong malaman"
"H..Hindi ka marunong manligaw ano?" Hula niya
Napalunok ito
"W..Why?"
"W..Wala lang po. Hindi naman kasi obligasyon ng liligawan mo na ibigay niya yung cellphone number niya sayo dahil liligawan mo lang siya"
Napabuntong hininga ito
"Damot"
Pinigilan niyang mapangiti
"0936258454*"
Napangiti agad ito
"Ano uli? Ang bilis mo naman magsalita eh"
Kinuha nito ang cellphone sa bulsa.
"N..Nasabi ko na bahala ka" Biro niya
Napangiti ito
"Sige na please?.."
"0936258454*"
"Thanks!" Sinave nito ang kanyang cellphone number sa cellphone nito.
Maya maya nag vi-vibrate ang kanyang cellpone. Tinatawagan siya nito
"To make sure" Todo ngiti ito ng makitang nag riring ang cellphone niya.
Tinago na nito ang cellphone sa bulsa.
"So do you have i********: account?"
"A..Ano yun?" Tanong niya din kay Joshua habang nanunuod sila ng t.v
"Hmm i********:?"
"A..Ano yun?"
Napabuntong hininga ito at napapangiti
"For real? Hindi mo alam ang i********:? Hmm what about f*******:?"
Napataas ang kilay niya.
"H..Hindi din..."
"Di nga? I don't believe you.. Hmm applications yun para makaconnect ka sa earth..." medyo tumawa ito at lumabas ang magaganda nitong ngipin. Napakagwapo talaga! Kanino kaya ito pinaglihi ng magulang nito?
Ngunit napasimangot siya. Naiinis na kasi siya sa mga tanong nito.
"Hindi ko po alam yung mga tinatanong mo. Busy ako sa trabaho ko. At hindi din kasi ako mahilig sa mga ganyan"
Nawala ang ngiti sa mga labi nito.
"H..Hey.. I'm sorry naoffend ba kita? Nagulat lang kasi ako.. Hindi lang ako makapaniwala na wala kang social media account.. Please don't get me wrong.." Mukhang nataranta ito dahil lumapit ito sakanya at umupo sa kanyang tabi.
Napalunok tuloy siya ng maamoy muli ang kaaya-aya nitong amoy.
"A..Ayos lang yun. Pasensya kana din" Napayuko tuloy siya. Nahihiya siya baka mapansin nitong retokada lamang ang kanyang mukha. Masyado kasi itong malapit sakanya. Baka mapansin nito ang perfect shape ng kanyang ilong..
"Sorry ha? Hmm ganito nalang. Gumawa ka ng i********: account mo tapos follow mo agad ako"
"H..Ha?"
Inilabas nito ang cell phone nito
"Give me your email address. Ako nalang gagawa ng account mo. Para naman may kachat ako at mas mapadali ang communication natin bukod sa text at calls.."
Napapataas ang kilay niya dahil masyado itong mabilis.
Katext na kachat pa kacall mate pa? Aba?!
Napalunok siya
"M..Mag chachat tayo?"
"Hmm yeah.. Mag tetext din----"
"W..Wala akong oras-----"
"I'll wait for you any time kung anong oras ka lang mag online at mag reply sa mga text ko"
Napayuko tuloy siya lalo. Nakakakilig kasi minsan ang pabigla bigla nitong hirit
"ashleycortez@y*******m"
Ngumiti ito at nag simula na itong gumawa ng i********: account niya. Doon siya nagkaroon ng pagkakataon titigan ng husto ang gwapong mukha nito
Mapula ang labi nito na para bang masarap humalik
Matangos ang ilong
Makinis ang mukha..
Namumula mula pa ng kaunti ang pisngi nito.
Nagparetoke din kaya siya? Bakit napakaperfect ng mukha niya..
"Hmm Stop staring at me.. Hindi ko magawa ng maayos yung account mo" malambing nitong pukaw sakanya
Napalingon pala ito sakanya at muntik na tuloy magpang abot ang ilong nito at ang kanyang ilong.. Konti nalang magnonose to nose na sila!
Doon niya lang napansin na sobrang napalapit na pala siya sa mukha nito!
Umatras agad siya at panigurado namula ng husto ang kanyang mukha.
Grre nakakahiya ashley! Anu bang nangyayare sayo!
Tumayo agad siya at lumapit siya sa pintuan ng bahay nila.. Binuksan niya iyon.
"A..Ako nalang gagawa ng account ko. Umuwi kana may trabaho pa kasi akong tatapusin"
"Pinapalayas mo nako?" Napalabi ito habang nakatingin ng malungkot sakanya.
Napaka-cute nito sa ganoong angulo. Naalala niya tuloy ang mga Korean drama na pinapanuod niya minsan. Mahilig kasi siya sa mga korean movies. Ngunit american version lamang si Joshua dahil halatang half american ito.
Napalunok tuloy ulit siya. Parang kay sarap kasing kagatin ng labi nito habang nagpapacute ito sa kanya
"H..Hindi naman sa ganoon."
Napabuntong hininga ito
"Hmm Fine hindi ka pa kasi inlove sakin ngayon eh kaya pinapalayas mo nako. But I'll wait for the day na inlove kana sakin baka hindi kana umalis sa tabi ko"
"A..Ang daldal mo. Chupi.."
Napangiti ito
"Chupi?"
"Oo chupi.. Umalis kana" Napapangiti din tuloy siya dahil palabiro ito.
Tumayo na ito at lumakad palabas ng bahay nila
"Sasabihin ko sa lola mo pinalayas mo ako"
Napangiti na tuloy siya dahil para itong bata
"Sira ka talaga.. Chupi!"
Sinarado niya agad ang pinto ngunit napigilan nito
"@Joshuahoffman Yan yung i********: account ko. Follow mo ako hihintayin ko."
"O..Oo na.."
"Bye ash.." Nginitian siya nito ng isang
"B..Bye"
"Wala bang good bye hand shake jan?"
Napangiti siya sa hirit nito. Naisip niya tuloy naadik na ito sa handshake nila.
"Sira!"
Sinarado niya na ang pinto ng bahay nila. Aaminin niya kinikilig siya sa mga simpleng banat nito
Wala pang isang minuto tumunog na ang cellphone niya
Unregistered number
Sinagot niya agad ito dahil baka si Mayor ito.
"Hello?"
"Hello.. Dinner tayo mamaya?"
Nanlaki ang mata niya dahil si joshua iyon!
Binuksan niya tuloy ulit ang pinto. Nakasakay padin ito sa kotse nito habang kausap siya sa cellphone
"H..Hindi pwede strict ang lola ko--"
"Ipapa-alam kita---"
"A..Ayoko"
Hindi ito kumibo
"S..Sige na nga pero bukas ng gabi nalang dahil madami akong trabaho ngayon.."
"Sure.. See you tomorrow"
Nakita niyang napangiti ito sa loob ng kotse nito
Haaays ngayon palang sakit na sa bangs..
End of flashback
Kaya ngayon pipindutin na niya ang follow button sa i********: account nito ngunit nakaramdam siya ng pagkahiya
Paano pag nalaman nitong retokada lamang siya?
Paano kapag nalaman nitong siya si Ashley bakulaw na kaklase nito noon?
Paano kung hindi siya nito matangap..
She shut down her cellphone and laptop
Mali talaga ang desisyon niyang magpakita kay Joshua.
Ngayon palang lalayuan na niya ito. Lalo na may nararamdaman agad siya para dito dahil hindi ito mahirap mahalin.
Madaling mahalin si Joshua dahil gwapo ito at higit sa lahat mabait ito. Kaya nasa panganib ang puso niya masasaktan lamang siya.
Gusto lamang niya ng normal na buhay. At hindi magiging normal ang buhay niya kung si Joshua ang magiging nobyo niya.
Sikat ito at mayaman..
And she's just an ordinary girl. She just wanted to have peaceful and normal life. Mula bata pa kasi siya hindi na naging normal ang buhay niya
Ayaw na niya ng spot light. Ayaw na niyang gumulo ang buhay niya.. Pagod na siya. Gusto na niyang maging normal lamang.
Gusto niyang makagalaw ng maayos sa mundo. Yung walang humuhusga sakanya.
Kapag naging nobyo niya si Joshua panigurado marami ang makakapansin na isa siyang retokada
G..Gusto kong mag karoon ng nobyo pero yung normal na tao lang. Hindi ako babagay sa isang Hoffman.. Masyado siyang mataas para sakin. Lalo na pagnalaman niyang retokada lang ako..
Nagparetoke lang naman siya dahil gusto niyang maging normal na tao. Mabuti sana kung panget lang siya at pwedeng takpan ng makeup. Kaso hindi eh. Parang nadislocate kasi talaga ang kanyang tunay na mukha.
Noong nagdadalaga siya sinubukan niyang mag lagay ng lipstick. Ngunit lalo lang siyang nabully ng mga tao. Pinagtawanan siya ng mga ito..
Napabuntong hininga siya
Sinira niya ang kanyang simcard. Kanina pa kasi tumatawag si Joshua sakanya
She also deleted her i********: account kahit kakagawa palang niya nun.
Ayaw niyang maging bahagi ng mundo ni Joshua..
Sapat na sakanyang nagkita silang muli ng dati niyang taga-tangol...