Episode 2 - Rosaryo

1271 Words
Binilisan na lang ni Mary ang paglalakad palabas ng kagubatan. Sa 'di inaasahang pangyayari ay may nakabangga siya. Napasigaw siya nang malakas dala ng nerbiyos. "Aaaaah!" malakas niyang sigaw, sabay pikit ng kanyang mga mata. "Miss, okay ka lang?" tanong nang isang magbubundok. "Parang namumutla ka?" tanong pa ng kasamahan nito. Tumango siya. "Ano'ng ginagawa mo dito sa gubat?" tanong ng mamumundok sa kanya. "Mag-ingat ka, marami pa namang mga loko-loko ngayon. Sa ganda mong 'yan," babala ng mga ito sa kanya. Bahagya siyang ngumiti at nagpaalam sa mga ito. Sinabi niya sa mga na may dinaanan lang siyang kaibigan sa kabilang baryo kaya siya naroon. Hindi naman niya puwedeng aminin sa mga ito na sa isang kuweba siya nakatira, at sa gitna ng kagubatan. Muli ay napalingon siya sa malaking puno. Naiinis siyang naglakad paalis sa lugar na iyon. Hindi mawala-wala sa isipan niya ang halimaw na gumahasa sa kanya kagabi. "Paano kung balikan ako ng halimaw? Paano kung muli niya akong gahasain?" Wala sa sariling napatingin si Mary sa mga paninda niyang prutas at gulay. Napabuntong-hiniito siya. "Pabili po ako ng gulay," sabi ng isang mamimili sa kanya. "Pili lang po kayo," nakangiti niyang sabi. "Magkano po?" tanong ng maminili. "Limang piso lang," tugon niya. Nang makaalis na ang babae, may dumaang mamimili mula sa kanyang puwesto. Dinig niya ang pinagkukuwentuhan ng mga ito tungkol sa isang halimaw sa kagubatan at sa mismong tinitirhan pa niya ito nakatira. "Mare, alam mo ba? May nakitang malaking itim na aso ang kumpare mo kagabi sa may gubat habang pauwi siya galing sa kabilang baryo." kuwento ng ale. "Palagi naman may nakikitang aso roon. Ano namang bago?" pamilosopo ng kausap nito. "Nagbagong anyo raw. Naku!Nakakatakot na talaga sa mundo, ang daming kakabalaghan," hesterikal nitong kuwento. "Naku, Mare, magsimba kayo ng asawa mo. Kulang lang kayo sa bendisyon ng Panginoon. Kulang lang 'yan sa dasal," tugon naman ng kausap ng ale. Nakatulala namang nakikinig si Mary sa kuwentuhan ng mga ito. "Baka ang sinasabi nitong halimaw ay walang iba kundi ang gumahasa sa akin. Baka nga totoo, at hindi isang malagim na pantasya lang," bulong na saad ni Mary sa sarili. Hindi mapakali si Mary nang mga sandaling iyon. Palubog na ang araw at malapit nang sumapit ang gabi. Panay ang buntong-hininga niya tuwing na aalala nito ang nangyari. Pauwi na siya nang may madaanan siyang isang matandang naglalako ng kung ano-ano sa gilid ng kalsada. Napansin niyang may rosaryo ito, at kung ano pa mang mga pangotra sa mga demonyo o halimaw. "Mag-ingat ka," sabi ng matanda sa kanya nang napahinto siya sa tapat nito. "Ho?" gulat niyang tanong. "May nagmamasid sa iyo. Kaya mag-ingat ka," ulit nitong sabi. Nakaramdam naman ng pananayo ng balahibo si Mary. "Talaga bang binabantayan ako ng demonyo? Bakit naman?" tanong niya sa sarili. "Pabili po ako ng sosaryo," aniya. Tumingin ang matanda sa kanya at pinagmasdang mabuti. Tila nababasa nito ang laman ng kaniyang isipan. At nahulaan nito kung bakit bibili siya ng pangontra sa halimaw na gumahasa sa kanya. "Hindi basta-basta ang demonyong nagbabantay sa iyo. Isa siyang kakaibang halimaw. Malakas at nakakatakot," nakakatakot niyang litanya. "P-paano po ninyo alam?" nagtatakang tanong niya sa matanda. "Matagal na akong nakatira rito, at tuwing sasapit ang ikalabing-walong kabilugan nang buwan, lumalabas ang mga halimaw para magparami nang lahi. Dahil iyon lamang ang kanilang pagkakataon para magbagong anyo," kuwento nito. "Naniniwala po kayo sa mga halimaw? Mga demonyo? May sungay at buntot? Wala pong ganoong uri ng nilalang," lakas-loob na sabi ni Mary sa matanda. "Nagkakamali ka. Dahil nakikita ko sa iyo na isa ka sa mga magsisilang. Mabubuntis ka at mabibiyaan ng anak mula sa halimaw," seryoso nitong pahayag. "Hindi totoo 'yan! Wala akong kasalanan sa Diyos! Wala akong inapakang tao! Ayaw kong magkaroon ng anak na isang halimaw. Ayaw ko!" iyak niyang sabi sa matanda. "'Yan ang nakatadhana sa iyo. Pero 'wag kang mag-aalala hindi ka mapapano," paliwanag nito. "Sino ba kayo?" nanlulumo niyang tanong. "Bakit ako pa?" dagdag tanong niya sa sarili. Tinapik siya ng matanda sa balikat. "Sumama ka sa akin iuuwi kita sa bahay ko. at doon ay ligtas ka," anyaya nito sa kanya. Sumama si Mary sa matanda nang hapong iyon. Dala na rin ng takot at pangamba mula sa demonyo. Pansamantala muna siyang sasama sa matandang bago lang niya nakilala. Mabuti na lang at mabait ito at mapagkakatiwalaan naman. Nakatira rin ito sa may gubat, ngunit hindi kalayuan ang mga kapitbahay. Kilala ito bilang manggagamot at manghuhula. May mga nakasabit na kung ano-ano sa loob ng bahay nito. Mayroon pa ngang malaking sungay na nakasabit sa kanyang pintuan. Meron din itong mga rebolto ng iba-ibang uri ng mga santo. "M-mag-isa lang po kayong nakatira rito?" tanong niya kay Aling Gloria. Habang nilalapag nito ang nilutong pagkain para sa kanila. Ito ang natirang gulay sa paninda niya at bulontaryo na niyang pinaluto sa matanda. "Matagal na akong nag-iisa," aniya. "Ulilang lubos na ako at kinamumuhian ng mga tao," dugtong pa nito. "Halos parehas lang po pala tayo ng kuwento," nakangiting tugon ni Mary. "Halika na, kumain na tayo," yaya nito sa kanya. Habang kumakain sila, panay naman ang kuwento ng matanda sa kanya at mataman lang siyang nakikinig rito. Mula sa kuwento ni Aling Gloria, isa rin siya sa mga nabiktima ng halimaw noon. Gin@h@s@ at binuntisan. Ngunit noong ipinanganak ang bata ay kinuha raw ito ng halimaw. Sa kaligtasan raw ng sanggol ay hindi raw ito nararapat na magtagal sa daigdig ng mga tao. Dahil mukhang demonyo ito. May sungay at buntot, higit sa lahat, nagbabagong anyo raw ito. Noong una ay hindi raw nito matanggap ang masamang pangyayari sa kanya. Ngunit hindi nagtagal ay unti-unti na rin nitong nakakalimutan, at natanggap. Hanggang sa nasanay na itong mamuhay ng mag-isa. Hanggang ngayon ay hindi na muling nagpakita sa kanya ang halimaw na gumahasa sa kanya noon. Pagkatapos nilang kumain ay nagprisinta si Mary na siya na ang magliligpit at maghuhugas sa kanilang pinagkainan. Gamit ang maliit na lampara na malapit ng mamatay-matay, dahil sa malakas ang simoy ng hangin ay binilisan niya ang paghuhugas. Panay ang dasal niya na sana bago matapos ang hugasin ay nakapanhik na siya sa kuwartong ibinigay sa kanya ni Aling Gloria. Sa wakas ay natapos rin siya, naabutan niyang nagro-rosaryo si Aling Gloria, sa may maliit na sala. Lumuhod rin si Mary atsaka ipinikit ang kanyang mga mata. Pagkalipas ng ilang minuto ay nagpaalam na siyang magpahinga sa ibinigay nitong tulugan. Tapos na rin ito sa kanilang pagro-rosaryo at sila, halos sabay na rin silang nagpahinga. Pagkahiga niya ay nakaramdam si Mary ng sobrang pagka-antok. Nagtaka siya ay ipinikit na lamang niya ang kanyang mga mata at hindi na niya namalayan ang mga sumunod na pangyayari. Pakiramdam ni Mary ay pinagpapawisan siya nang malagkit ng mga sandaling iyon. Tila may malakas na nilalang na humihila sa kanyang mga paa. Ngunit pilit din siyang kumakapit sa nahawakang matigas na bagay. Pinipilit niyang 'wag magpatangay sa humihila sa kanya. "Bitiwan mo ako! Hayop ka!" Nagpupumiglas siya. Ngunit patuloy pa rin ang nilalang sa paghila sa kanya. Nanlaban siya ngunit unti-unti na siyang nanghihina sa kakapumiglas. Naiiyak na siya dahil unti-unti rin niyang naramdaman na tinangay na siya ng demonyo. Hinihila siya nito, naramdaman niya ang sakit mula sa kanyang likod. "Maawa ka sa akin!" nanlulumong pakiusap niya. Hanggang sa huminto na ang halimaw sa paglalakad. Naramdaman rin niya ang paghaplos nito sa kanyang pisngi pababa sa kanyang leeg at tiyan. Ang akala niya ay ligtas siya sa bahay ni Aling Gloria ngunit bakit natangay pa rin siya ng halimaw, at mukhang may balak na naman itong maangkin siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD