Morning 'til noon, lalo na kapag nagkakasalubong kami ng landas ni Carla, palagi na lang itong nakangisi sa akin nang dahil sa kagagahan ko kagabi. Letseng wet dreams kasi na 'yon eh! Nakakainis! Bistado tuloy ako sa kapatid ko! Gosh! Parang gusto ko na lang mawala kahit saglit dito sa mundo nang dahil sa kahihiyang iyon. Hindi tuloy ako makapag-trabaho nang maayos at mas lalo namang hindi ako makatingin nang diretso sa boss ko na siyang laman ng nakakalokang panaginip na 'yon. Ginagawa ko naman nang matiwasay ang trabaho ko pero alam kong ramdam niya na iniiwasan ko siya, which gives him the wrong impression, I know. Alam n'ya kasing okay na kami bago pa kami makaalis ng Siargao. Tapos ngayon na nakabalik na kami ng resthouse, heto ulit kami at parang bumalik sa dati. Nakokonsens