"So? Simulan mo nang magkwentong babae ka," Humalukipkip akong nag-crossed arms habang nataas ang isang kilay kay Carla. Nandito na kami ngayon sa silid at talagang sinara ko ang pinto dahil gusto kong maka-one on one talk itong haliparot kong kapatid. Aba! Dalawang araw lang nila kaming iniwan dito tapos pagbalik nila, malaman-laman ko, may nangyari na sa kanila ni Pietro? Carla has this look of so much guilty in her beautiful face. Napahinga ako nang malalim. "Look, Carla. Hindi kita ji-na-judge, okay? Pero nakakabigla naman kasi itong narinig ko. Totoo ba 'yon? Na... you know..." Ikinumpas-kumpas ko ang aking kamay to make my point clear. Ang ngiti nito ay naging ngiwi na nahihiya pero halatang-halata ko ang kinang ng mga mata n'ya... she seems happier... I wonder tuloy kung gan