"Saan ka matutulog?" tanong ko kay Domenico nang lumalim na ang gabi at oras na para matulog. Hindi na nakabalik 'yong dalawa at feeling ko ay sinasadya nila ito para makapag-usap kaming dalawa ng boss kong kalahating gago at kalahating may puso rin naman pala... "Bed," walang gana nitong sagot sabay higa nga sa bed. Sa side n'ya kung saan ito tumabi sa akin the other day. Oh my god. Parang hindi ko ata maatim na magkatabi na naman kami pagkatapos ng kawalangyahang ginawa ko kanina sa bathroom. Prenteng ginawang unan nito ang dalawang kamay n'ya saka ako tiningnan nang masinsinan. "What? Wala ka pa bang balak mahiga?" he nonchalantly asked. I shook my head. "Mamaya na siguro. Kailangan ko rin namang tawagan sandali si Doc Esteban para sa report na kailangan nito." He let out a spit