CHAPTER 14: HINDI AKO MAPAKALI SA KAIISIP SA sinabi sa akin ni Andrew. Oo na, aminado na akong gusto ko siya at bumalik na iyong nararamdaman ko para sa kaniya. Pero iyong pag-amin ko na 'yon ay sa sarili ko na lang. Nakakahiyang aminin sa kaniya dahil halos isumpa kong hindi ko siya magugustuhan. Nakahiga ako sa kama habang nakatitig sa puting ceiling ng kwarto ko. Panay ang tunog ng phone ko mula sa text ni Kristian at Jessy. Alam ko namang sila 'yon kahit na hindi ko na tingnan dahil sila lang naman ang kaibigan ko at sila lang ang nagte-text sa akin. Mayamaya pa ay napagod rin akong titigan ahg ceiling kaya dinampot ko na ang phone ko nasa ibabaw ng side table. I thought it was either Kristian or Jessy but it was Andrew who sent a message. Binuksan ko ang isang message niya. From: