CHAPTER 45: HINDI AKO NAGPAAWAT, ILANG MINUTO LANG ANG NAKALIPAS ay dumating na ang mga pulis. Ang ibang reporters ay nagsi-alisan dahil takot sa balak kong kasuhan sila. Ngunit may iilan na matigas talaga ang mukha kaya dinala sila sa presinto. Sumama ako para mag-file ng kasong invasion of privacy. Hindi ko alam kung sino 'yong naglagay ng hidden camera sa may gate namin. Nakita iyon ni ate Brianna. Masyado na silang nanghihimasok sa buhay namin nang dahil lang sa isang walang kwentang issue. Isang gawa-gawang kwento na lumaki nang ganito. Mapatutunayan talagang mas mabilis kumalat ang hindi totoo kaysa sa katotohanan. People will believe on wha they want to believe, rejecting the fact. Hindi nakapalag ang tatlo sa limang reporters na nadampot ng mga pulis. Ang tatlo sa kanila ay hi