CHAPTER 46: NAGMAMADALING BUMABA AKO NG KOTSE NANG MAKITANG SI Andrew iyong humarang sa kotse ko. "Oh my gosh! Sorry, A-andrew! Bakit ka humarang k-ka r'yan?" Kinakabahang umatras iyong isang babae ng fan. Mabilis na pinuntahan ko si Andrew sa harap ng kotse ko at nakitang may ilang basag na itlog siya sa kaniyang mukha at dibdib. Kumirot ang puso ko, even after getting hit by the eggs, he still smiled at me. "Ayos ka lang ba?" tanong niya. Pinunasan ko ang magkabilang pisngi ko at saka nilingon iyong mga babae. Sinamaan ko sila ng tingin, they all stepped back. "Umalis na kayo," mariing utos ko. Pero tila bingi silang nakatayo pa rin doon habang nakatitig sa amin. Nagtiim-bagang ako at marahas na napabuntonghininga. "Sinabi ko na ngang umalis na kayo e!" sigaw ko na nagpatakbo sa