CHAPTER 47: GUMISING AKONG MAGANDA ANG NGITI SA LABI. Hindi kaagad ako bumangon sa kama dahil nakadagan si Andrew sa akin. Iyong hita niya, nakatanday sa hita ko habang ang braso niya naman ay nakayakap sa aking beywang. Mahimbing ang tulog niya at kung gagalaw ako para alisin ang hita at braso niyang nakadagan sa akin, siguradong magigising siya. Ilang minuto na akong nakatitig sa mukha niya. Makapal ang mga kilay, matangos ang ilong, may mumunting bigote at balbas; papatubo na. Makapal ang nga pilik-mata niya, nakakainggit at ang kaniyang labi, medyo makapal ngunit mamula-mula. Andrew has the looks of a total bad boy, an example of don't judge a book by its cover. Mukha siyang bad boy pero ang totoo, hindi. Pala-asar lang siya pero never siyang naging bad pagdating sa akin. He's an i