CHAPTER 48:

1362 Words

CHAPTER 48: NAGING MAGANDA ANG TULOG KO SA BUONG GABI. HINDI ako naalimpungatan kahit na isang beses na naging dahilan kaya maganda ang gising ko ngayon. Nauna akong nagising kaysa kila mommy. Ako na ang nagluto ng almusal at kumain na lamang mag-isa. Hindi ko na sila ginising dahil masyado pang maaga. Plano kong dumaan na lang muna sa coffee shop para bumili ng kape. Nag-taxi pa rin ako, plano kong puntahan si Andrew sa condo unit niya para kunin ang kotse ko. Medyo hassle na kasi ang pagko-commute at natatakot ako na baka makilala ako ng driver. Mabuti na lang at hindi, nagpababa ako sa coffee shop na katapat lang din ng company building. Dumiretso ako sa loob ng coffee shop at pumila para makabili na ng kape. Maaga pa pero pila-pila na ang tao, ganito talaga sa coffee shop na 'to.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD