CHAPTER 49: HALOS MAGHISTERIKAL NA AKO DAHIL SA TAKOT. PANAY ANG PAGKABOG ng puso ko, takot na takot ako na baka kung ano na ang mangyari sa akin. Mayamaya pa'y ipinasok niya ako sa isang kulay itim na kotse. Binitiwan niya ang bibig ko, and when I was about to scream, natigilan ako nang makita ang nakangiting mukha ni Andrew. Napakurap ako nang ilang beses. "Surprise!" he exclaimed. Hindi ako nagsalita. Nakatitig lang ako sa kaniya habang panay pa rin sa pagkabog ang puso ko, halos mabingi ako sa lakas nito. "Yeobo?" tawag niya. Inirapan ko siya at binuksan ang pinto ng kotse niya. "Yeobo!" Sinubukan niya akong awatin, pero hindi ako nagpaawat dahil inis na inis ako sa kaniya. Nagmamadaling lumakad ako palayo sa kotse pero kahit na nagmamadali na ako, nahuli niya pa rin ang kama