CHAPTER 20: HINDI KO NA NAPIGILAN ANG UMIYAK. NAKAKAINIS NA KANINA, ang daming oras na pwede akong umiyak, bakit ngayon pang kaharap ko siya? Bakit ngayon pa sa harap ng taong ayaw kong makakita ng sakit na nararamdaman ko. "Is that the reason why you get drunk?" halata ang pagtataka sa tanong niya. "Bwiset ka!" bulyaw ko sa kaniya. Sinuntok-suntok ko ang dibdib niya. Nilakasan ko iyon pero parang wala lang sa kaniya. "Bwiset ka talaga!" Sa sumunod na suntok ko ay mabilis na nasalo niya ang kamao ko. I tried to budge but he didn't let me. Instead, he pulled me into hug that made me even cry. "Sorry, sorry kung hinawakan ko ang kamay ng ibang babae. I won't do it again, sorry," he whispered. He sounds sincere again. At nakakainis dahil kumakalma ako sa malambing niyang tinig. Ganito