CHAPTER 21: NAWALAN AKO NG SASABIHIN. HINDI KO ALAM kung paano ko sasagutin ang magkasunod na tanong ni Kristian at Jessy. "Ano? Sagot!" si Kristian na mukhang galit na. "Nakita mo namang may ibang babae iyang si Andrew 'di ba? Sinend ko sa 'yo iyong picture niya kasama iyong babaeng ka-holding hands niya!" dagdag pa ni Kristian. Yumuko ako, Andrew tighten his grip to my hand and cleared his throat. "Wala akong ibang babae," Andrew answered. Mapaklang natawa si Kristian, "oh really? Then how will you explain what I have seen in front of Big Star Entertainment? Ano 'yon? Joke lang na nakikipagtawanan ka sa isang babaeng mas may edad sa iyo ng ilang taon? Gusto mo ba 'yong mga may experience?" "T-tama na, Kristian," I interrupted him. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Naniniwala ako