CHAPTER 26: NAGISING AKO KINAUMAGAHAN NANG MARAMDAMAN KO ang mainit na paghinga ni Andrew sa aking leeg. Nakayakap din ang braso niya sa aking bewang at mukhang mahimbing ang tulog. Sigurado akong pagod na pagod siya. Marahan akong gumalaw at umikot paharap sa kaniya para hindi ko siya magising. Nag-angat ako ng tingin sa maamo niyang mukha. He's sleeps like a baby, sobrang amo at parang ang bait-bait. Marahang inangat ko ang kamay ko at itinuro ang tungki ng kaniyang ilong gamit ang hintuturong daliri ko. Ang tangos ng ilong, ang pula ng labi. His eyelashes are screaming for attention as well. Kaya talagang siya ang nakuhang leader ng grupo dahil nagsusumigaw ang buong pagkatao ni Andrew sa talent. Hindi lang talent, maging ang kagwapuhan niya ay nag-uumapaw. "Anong ginagawa mo?" Mab