CHAPTER 18: NAGLAGAY AKO NG LIPTINT AT SINIGURO KONG maayos ang pagkakasuklay ng buhok ko bago ako nagpasyang lumabas ng kwarto. Pagkababa ko ng hagdan thankfully, wala na iyong boyfriend ni ate. Si mommy ay Brent na lang ang nasa sala habang nanunuod sila ng cartoons—Tayo The Bus ang title ng palabas. "Saan ka pupunta?" takang tanong ni mommy. "Lalabas po, nasa labas si Andrew, magse-celebrate po kami dahil nakapasok siya sa interview ng sinalihan niyang contest." Kumunot ang noo ni mommy. "Anong contest? Bakit hindi ko alam?" "Search for new member ng bagong boy group po mommy," sagot ko. Nanlaki ang mga mata ni mommy at sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. "Talaga? Pakisabi sa kaniya congrats! Kapag nakapasok na siya sa final candidates, sabihin mo isama naman akong mag-celebrate