CHAPTER 17: NAKAILANG SULYAP NA AKO SA PHONE KO nang dahil sa text message na sinend sa akin ni Andrew. Hindi ko kasi alam ang i-re-reply lalo na at parang ang bilis naman yata. From: Andrew. Tayo na ba? Umirap ako at saka in-off ang phone ko. Bahala na! Hindi ko sasagutin ang tanong niyang iyan dahil wala pa naman akong isasagot sa kaniya. Hindi ko alam, hindi ako sigurado. Ayaw kong mabigla kami pareho nang dahil sa magiging desisyon ko. Baka kasi mamaya kapag sinagot ko siya, mabigla siya sa biglaang pagbabago ng relasyon namin at sa huli, maghiwalay lang din kami. Sa totoo lang, ayaw ko pa talaga. Iyon naman na talaga ang nasa isip ko noon pa, ang tumanda na lang na dalaga. Pero kanina kasi, hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at bigla akong napaamin. Bakit ba kasi ang