CHAPTER 16: KANINA PA NANLILISIK ANG MGA MATA ko dahil mula pa kaninang dumating kami rito, wala na akong kasama. Tinangay na ng walanghiyang debutant ngayong gabi. Nakaupo lang ako sa pinakasulok na lamesa kung saan halos hindi ko na makita ang nasa mini stage dahil sa mga ulo ng mga taong nasa harapan ko. Tatlo ang upuang nasa lamesang pwesto ko pero ako lang ang mag-isa roon. Abala ako sa pag-inom ng orange juice habang nakapangalumbaba. Mayamaya pa'y halos mabingi ako nang marinig ang tunog ng mikropono na umalingawngaw sa paligid. Parang nabasag yata ang eardrums ko nang dahil doon! "Ehem, mic test 1, 2, 3! Mic test!" anang MC for tonight. Napairap na lang ako saka napabuntonghininga. Hanggang sa may naupong lalaki sa katabi kong upuan. I looked at him and saw Reynan with a wide