CHAPTER 9: HINDI AKO SIGURADO KUNG SAAN nga ba ang bahay nila Andrew. Sa tagal ng panahon na hindi ako nakadalaw roon sa kanila, nakalimutan ko na nang tuluyan. Ilang beses na akong napakamot sa ulo dahil hindi ko talaga matandaan. Ni hindi ko naisip kanina na marami nga palang nililikuan at pasikot-sikot ang lugar kung saan sila nakatira. Ilang minuto na akong nakatayo lang sa gitna ng tatlong daan dahil sa pag-aalangan kung saan ba talaga ako dadaan. Nag-uumpisa na ring dumilim. Mga ilang minuto pa akong nakatayo roon, ilang tao na ang dumaan sa akin na halatang na-wi-weird-ohan sa akin dahil nakatayo lang ako roon at hindi gumagalaw. Mayamaya pa ay may sumigaw. Lumingon ako kasi pangalan ko ang isinigaw. "Bakit hindi mo manlang ako tinawagan?" tanong niya. Mabilis na tinakbo niya