CHAPTER 10: "BAKIT MO NAMAN NAISIP NA iiwan kita? Maayos naman ang pagkakaibigan natin kaya bakit kita iiwan?" Hindi makapaniwala si Andrew sa dahilan ko kung bakit ko siya nilayuan. Ilang tanong na ang ibinato niya sa akin pero wala pa rin akong naisagot kung ano nga ba ang dahilan kung bakit natakot ako. "Iyon ba? 'Yong dahil natatakot ka sa mga lalaki dahil ang daddy at ang lalaking nakabuntis sa ate mo ay iniwan sila?" Napalunok ako sa tanong niyang 'yon dahil iyon ang dahilan. . . "O-oo," sagot ko. Napapikit siya nang mariin at saka humakbang palapit sa akin. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko dahil oo, hinintay ko siyang makalapit sa akin. Nang tuluyan siyang makalapit, bumaba ang tingin niya sa akin at tinitigan ako sa mga mata. "Ibig sabihin kahit pala umamin ako sa 'y