CHAPTER 11: HE WAS PERSISTENT. Sa loob ng ilang taong pangungulit niya sa akin, hindi siya nagbago. Ni hindi siya natinag kahit na ilang beses ko na siyang ni-reject. "Ang manhid mo naman oh baby, kailan ba madarama? Sa puso ko ikaw lang oh baby, please maniwala ka. . ." Napairap ako nang marinig ang pagkanta niya. Maganda naman ang boses niya pero hindi ko maintindihan kung bakit parang biro-biro lang kung paano niya iyon kantahin. Palagi niya akong inaasar, palagi niya akong sinusundan. Kahit na noong second year ay hindi na kami naging magkaklase, nagpursige pa rin siya. Noong unang taon na nanliligaw siya sa akin, ibinalita niya sa buong school. Sinabi niya pang huwag daw akong titingnan at pag-uusapan dahil naiilang ako. Mas lalo tuloy akong nailang sa mga pinaggagawa niya. "Hind