CHAPTER 35: NAGING MABILIS ANG MGA ARAW. Nag-umpisa na ang April Fools Theme ng Sexy Seven mini fan meeting at siguradong maraming fans ang maiinis dahil sa temang ito. Ang nangyari kasi, magkakaroon ng pa-game ang management ng Big Star Entertainment sa mga fans ng Sexy Seven. Huhulaan ang venue at kung sino lang ang makakahula, sila lang s'yempre ang makakapunta. Liblib ang naging venue ng mini fan meeting, sobrang kaunti lang ang nakahuka. Out of thousands of their fans, 150 lang ang nakahula. Kung isa kang fan girl, masasabing swerte talaga dahil may mga surprise ang Sexy Seven. Pati ako, nasurpresa nang sabihin ni Ma'am Erika na isasama niya ako sa fan meeting para masigurong maayos ang lahat. Abala ako sa kaiikot sa venue kung ang lahat ba ay nasusunod sa kung paano namin nai-se