CHAPTER 36: PAGKARATING NG NURSE NA MAGLILINIS sa mga sugat ko, umalis din kaagad si Andrew. Siguro dahil ayaw niyang mahalata na magkakilala kami. Ayaw ko rin naman dahil baka biglang maging issue pa. "Ang bait ni Sir Andrew 'no? Dinala ka rito kahit na pwedeng 'yong staff na lang ang magdala sa 'yo," anang babaeng nurse. Nililinisan niya ngayon ang mahabang kalmot sa pisngi ko. Mahapdi pero tinitiis ko na lang para hindi mahirapan 'yong nurse na linisin ang sugat ko. "Oo nga e," tanging sagot ko. Mukhang fan din kasi ni Andrew itong nurse at isa pa, totoo namang mabait si Andrew. Kahit noon, ako ang palaging may mali sa aming dalawa. Alam ko naman, aminado ako. "Ang dami mong kalmot, pati rito sa anit mo. Hindi ba masakit? Bakit hindi ka manlang dumadaing?" takang tanong ng nurse.