CHAPTER 1:
I STILL DON'T GET IT why. Kahit anong isip ko sa kung ano ang pwedeng dahilan kung bakit iniwan kami ng daddy ko hindi ko pa rin talaga maisip kung bakit. Maybe because bata pa ako para maintindihan ang lahat? I don't know.
I looked up at the dark sky. Hindi madilim ang langit dahil pa-gabi na, madilim ang langit dahil mukhang uulan at sasabay pa yata sa malungkot kong pakiramdam. Medyo lumalakas na rin ang hangin, nagbabadya na may paparating ngang ulan or worst may bagyo pala. I sighed as I looked around the playground. Ako lang ang narito, mukhang alam ng lahat na uulan kaya walang nagtangkang lumabas ng bahay kun'di ako lang.
Naupo ako sa swing kung saan madalas kaming maglaro ni ate kasama si daddy. Ngayon, sigurado akong hindi na ulit iyon mangyayari dahil hindi na siya babalik pa sa bahay. Alam kong hindi na, kahit ano pang pagmamakaawa sa kaniya ni mama lalo na at nabuntis na niya ang kabit niya. Our happy family ends just because of that homewrecker woman.
Sinimulan kong i-ugoy ang duyan gamit ang paa kong isinadsad ko sa damuhan. Nakatingin lang ako sa mga paa ko habang inuugoy ang duyan kasabay ng sunod-sunod na pagkulog.
"Bakit nandito ka pa? Uulan na."
Naagaw ng atensyon ko ang lalaking naupo rin sa swing katabi ng sa akin. Nang lingunin ko siya'y napansin kong ka-edaran ko lang ang itsura niya. Inaamin kong gwapo siya, moreno ang balat, malamlam ang mga mata niyang may makakapal na pilik-mata, matangos ang ilong at manipis ang labi. Bagsak din ang itim na itim niyang buhok na bumagay sa nagbibinatang mukha niya.
"Hinihintay ko talagang umulan," sagot ko.
Nag-iwas na ako ng tingin sa kaniya at saka tumuloy sa pag-ugoy ng duyan. Inisip kong baka umalis lang din siya sa oras na tuluyan nang umulan kasi ako lang naman ang gustong magpaulan e.
Pero nagkamali ako, nanatili siyang nakaupo sa swing hanggang sa tuluyan nang pumatak ang ulan. Napalingon ako sa kaniya at napansin ang payong na hawak niya.
"Bakit nagpapabasa ka rin?" takang tanong ko sa kaniya. "Umuwi ka na, lumalakas na ang ulan at saka may payong ka naman pero bakit magpapaulan ka?" halos pasigaw pang dagdag ko dahil malakas na rin ang tunog ng pagpatak ng tubig-ulan.
Unti-unti nang lumalakas ang ulan na naging dahilan para mas bumigat ang nararamdaman ko. Unti-unti na rin akong napapaiyak na kanina lang ay hindi ko magawa.
"Alam mo bang hindi ko nakita kailanman ang tatay ko?" Lumingon siya sa akin at saka ngumiti. "At saka dahil sa kaniya, nagkasakit ang nanay ko sa katatrabaho mabuhay niya lang ako."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Pinalis ko ang tubig-ulan na dumadampi sa mukha ko, maibsan manlang ang panlalabo ng mga mata ko.
"Bakit mo sinasabi sa akin iyan?" tanong ko sa kaniya. Kasi hindi ko naman siya kilala para ikwento niya ang buhay niya sa akin.
"Gusto ko lang malaman mo na hindi lang ikaw ang may problema sa buhay, there are lots of people out there who are experiencing the same problem. Kung masakit para sa'yo ang nangyari, pwede kang umiyak. Umiyak ka nang umiyak, but after that make sure to face the reality."
He smiled at me. That smile made my heart ache. Iyon ang naging dahilan para manginig ang labi ko at kusang tumulo ang luha sa mga mata. Hindi ko inaasahan na iiyak ako nang ganoon kadali dahil lang sa mga sinabi niya. Kanina ko pa gustong umiyak pero hindi ko magawa dahil sa hindi ko malamang dahilan but his words made me cry.
"Hindi ko alam kung bakit iniwanan kami ng daddy ko. My mom is an ideal wife, she does everything my dad wants and she respected him so much. I saw how my mother loves him so much that even after betraying her many times, she accepted it. Pagkatapos sa huli, p-pagkatapos ng ilang beses na pagpapakumbaba ni mommy, iiwan niya rin pala kami bandang huli!" I cried.
He was still there, listening to my rants like he is ready to know it all. Like he understands everything I said. He was there beside me, accepting all my flaws that everyone didn't know.
"Hindi ko alam kung paano pa kami magsisimula sa oras na umuwi ako ng bahay. Hindi ko alam kung kakayanin ba ni mommy ang lahat nang siya lang mag-isa. Narinig ko kung paano siya umiyak at nagmakaawa sa daddy ko na huwag kaming iwan. She was desperate!" dagdag ko pa.
Kasabay ng mga salitang binibitiwan ko ay ang pag-agos ng luha ko at ng tubig-ulan sa aking mga pisngi. Alam kong mukha na akong tanga ngayong sinasabi ko ang lahat ng ito sa taong hindi ko naman kilala. Sa taong wala pang isang oras kong nakikilala. Pero hindi ko na kasi talaga mapigilan. Sobrang sakit na!
Nag-rant ako nang nag-rant hanggang sa maubusan ako ng mga salita, and as words finally let out of me, rain started to stop and so my tears.
"Kumusta ang pakiramdam?" he asked.
Tumayo siya mula sa swing, ganoon din ang ginawa ko habang pinupunasan ang mukha ko.
"Magaan sa pakiramdam," sagot ko. "Salamat."
Tumango siya at saka naglahad ng kamay sa akin. Napatitig ako sa malamlam niyang mga mata na halos matabunan na ng bangs ng buhok niya.
"Friends?" he asked with a wide smile.
Hindi ako nakikipagkaibigan sa kung sino-sino. . .
"Can we?" I asked him. "You are the first person aside from my family to see me cry."
He chuckled and gestured his hand na kanina pa nakalahad.
"Andrew," sambit niya sa pangalan niya.
Kahit na hindi ako nakikipagkaibigan sa kahit na sino dahil nahihirapan akong magtiwala, kahit na ngayon ko pa lang siya nakilala at posibleng masamang tao siya, hindi ko alam kung bakit pero. . .
Inilahad ko ang kamay ko at ngumiti nang malapad.
"Ballari." Hinawakan ko ang malapad at nanlalamig niyang palad.
At saka lang namin pareho napagtanto na nanginginig na pala kami dahil sa lamig. We both laugh while we hold hands. Magkahawak-kamay kaming tumakbo paalis ng playground dahil ang lamig at unti-unti na muling pumapatak ang ulan.