PROLOGUE:

592 Words
PROLOGUE: MADILIM. MALAMIG. TAHIMIK. Pero kahit na ganoon ay hindi nagpapigil si Andrew sa paghila sa akin sa abandonadong warehouse kung saan ginanap ang shooting nila kanina para sa bago nilang music video ng bagong kantang i-rerelease nila. Andrew is now a famous model, actor and a leader of a boy group here in Philippines. Masyado na siyang matayog, masyado nang sikat para mahawakan ko pa. Siya iyong pinapangarap ng lahat ng babae na malabong matupad. Every girls love him now, hindi katulad noon, na ako lang. . . Huminto siya sa paglalakad at hinarap ako nang nasa pinakasulok na kami ng warehouse. Tanging ang phone na hawak niya lang at ang liwanag ng buwan ang nagsisilbing liwanag sa madilim na warehouse na ito. "Plano mo ba akong iwasan habambuhay?" galit ang tono ng boses niya nang itanong iyon sa akin. Mabilis na hinaklit ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Susubukan pa sana niyang habulin ang kamay ko ngunit nang mabigo ay rumehistro ang sakit na nararamdaman niya sa kaniyang mga mata. "Ballari I'm begging you, please, touch me." Kitang-kita ko ang desperasyon sa mukha ni Andrew. I know that he loves me, at mahal ko rin siya. But everytime I try to touch the flaming fire of our love, I can't help but to remember how love destroy both my mom and my sister. "Pero Andrew, paano ang career mo? Paano kung hindi tayo matanggap ng fans mo?" I asked him again. Ito iyong tanong ko noon sa kaniya noong nagsisimula pa lang siya, pero hanggang ngayon ito pa rin ang tanong ko sa kaniya. Because I'm afraid that they might not like me the way they like Andrew. "If they are my real fan, then they will accept you. Itinanong mo na iyan sa akin noon Ballari? Same question, same answer from me but you still left me back then. Iyan ba talaga ang dahilan kung bakit palagi mo na lang akong iniiwan?" Hindi ako nakasagot. Nanatili akong nakatitig sa kaniya. Lumukob ang katahimikan sa paligid lalo na at walang sino man ang narito kun'di kami lang dalawa. Naririnig ang mga sasakyan mula sa labas pero hindi iyon sapat para makasagabal sa kung ano man ang pinag-uusapan namin. "Paano ka nakasisigurong hindi mo ako sasaktan? Paano ako makasisigurong hindi mo ako ipagpapalit sa oras na may makilala kang iba? Sa ka-love team mo? Paano?" Nangingilid na ang luha sa gilid ng aking mga mata pero pilit kong nilabanan. Ayaw kong makita niya akong umiiyak. Ayaw kong makita niya ang kahinaan ko. No one knows how weak I am inside because I always hide it with my strong personality and he is not an exception. Hindi ko ipapakita sa kaniyang mahina ako. "Ballari naman. . . mahal mo ako 'di ba?" Puno ng pagsusumamo niyang sinubukang muling hawakan ang kamay ko pero umatras ako para hindi niya lang magawa. Dahil sa oras na hawakan niya ako, sigurado akong bibigay ako. Sa oras na bumigay ako sa kaniya, sa huli masasaktan lang ako. "Yes, mahal kita. Pero hindi 'yon sapat para hayaan kong masaktan ako sa oras na iwan mo akong mag-isa." I turned my back to him after saying those words. Those words that even for me are painful. I heard him sobbed, and so my tears started to fall. But he didn't know about it because I immediately run away from him. Again, for the nth time, I left Andrew San Miguel because I'm afraid of the pain that might be the consequence of falling in love.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD