CHAPTER 29: ALAM KONG MASYADO AKONG MABILIS MANIWALA SA KANIYA. Ilang beses kong sinabi sa utak ko na huwag akong bibigay, na I still need more explanation from him. Pero nadala ako sa simpleng eksplenasyon niya, hindi ko na pinahaba lalo na at inaamin kong namiss ko siya. Ayaw ko na siyang awayin, gusto ko na lang tapusin para mayakap ko na siya. . . Habang mas tumatagal, mas lumalala itong nararamdaman ko sa kaniya. Natatakot man ako na baka isang araw ay may posibilidad na iwanan niya ako, I still chose to trust him. "Naniniwala ka talaga kay Andrew na hindi niya babae 'yon?" tanong ni Jessy matapos niyang iluwa ang lollipop na kanina niya pa dinidila-dilaan. "Oo, ramdam ko naman na sincere siya." Tumango si Jessy. "Kunsabagay, tayong mga babae naman ay may girl's instinct. Kung ma