CHAPTER 28: HE'S GETTING BUSIER AND BUSIER. Habang tumatagal ay halos hindi na talaga kami nagkakausap. May mga araw din na hindi na talaga siya nakakatawag pa at nakakapagtext pero I still manage to let it go. Iniintindi ko dahil alam ko naman ang sitwasyon niya. This is his dream and I want him to achieve this dream with my support. "Kailan ang huling tawag sa 'yo ni Andrew?" tanong ni Kristian. Naglalakad kami palabas ng school. Final week before exam, sobrang pressured na rin kami. Nag-aalala nga ako kay Andrew at baka hindi siya makapasa. Pero sabi niya naman sa akin, huwag akong mag-alala dahil marami siyang natututunan sa mga itinuturo ko. Pagpapahingahin din naman daw sila ng agency nila for two weeks para sa exam lalo na 'yong mga nag-aaral pa. "Last week, ang alam ko ngayon a