"LUMALABAS ang overpower ability ng Fantasy Mode kapag may pinoprotektahan si Nigito Kuzuna..." winika ni Kido sa sarili habang nasa loob ng selda. Posible rin na matalo ni Nigito ang number 1 guild sa game. Sa oras na magawa niya ito ay siguradong maaalarma ang World Society. Sakura Falls. Seryosong nakatayo si Nigito habang hawak ang dalawa niyang espada. Patuloy sa pagkawala ang napakalakas na pressure sa kanyang katawan. Kumakawala iyon nang kumakawala hanggang sa ang ilan sa mga players ng kalaban ay nagsipagtumbahan na lamang dahil hindi kayanin ang lakas na nagmumula rito. Napangisi naman ang haring si Ashura sa nakikita. Napahigpit siya sa pagkakahawak sa kanyang espada. Alam niyang malakas siya pero parang nadadaig siya ng pwersa na kumakawala sa black swordman. Nasa isandaang