NAKAUPO sa loob ng silid niya si Xenon. Kasalukuyan nitong pinupunasan ang talim ng kanyang Excalibur Sword. Kahit nasa kalagitnaan sila ngayon ng isang Guild Wars ay hindi makikita sa mukha nito ang pangamba o pag-aalinlangan. Nakangisi lang ito habang ginagawa ang pagpunas. "Wala na si Lyud, Thunder at Arthor. Lahat sila ay natalo na..." Winika ni Hexus na kasalukuyang nakaupo sa harapan ng mesa ng kanilang Captain. "Grahahaha! Sa huli ay ako pa rin ang mananalo sa labang ito. Wala silang magagawa kahit matalo nila ang aking mga vice-captains." Napatingin sa kawalan si Hexus at pagkatapos ay humigop ng kape. "Kahit mapatay kami ay alam kong hindi kayo matatalo, Captain." "Tama ka Hexus. Isa pa, mga AI lang kayo. Hindi kayo kawalan sa mundong ito. Ginamit ko kayo para lumakas ang pwe