SOCOTRA Island. Pagkalabas pa lang ng nasa mahigit 500 players sa teleporting plaza ng isla ay kaagad nga silang sinalubong ng mga magkakasunod at napakaraming atake. Nayanig ang timog na bahagi ng isla dahil sa sunod-sunod na pagsabog. Inaasahan na rin naman iyon ng grupo nina Nigito. Kaya naman, pagkalabas nila sa circle ay siya agad paggamit ng mga supporting players ng kanilang mga defensive skills. Nabalutan ang buong plaza ng napakakakapal na barrier. Iba't iba ang kulay at style pero dahil sama-sama sila ay nagdikit-dikit iyon. Kumislap ang talim ng espada ni Ashura matapos niya iyong ilabas mula sa lalagyanan nito. "Maghanda na kayo! Kaunti na lang at makakapasok na tayo sa base nila!" Malakas na sabi ni Ashura at ang lahat ay pinaglalabas na ang mga weapon. Naka-ready na rin an