NAGSIMULA na ang palitan ng mga skills at atake sa harapan ng base ng World Society. Kaliwa't kanan ang mga pagsabog at nagliliyab na sa apoy ang ilang bahagi. Pinangunahan ni Ashura ang pagpapabagsak sa mga malalakas na players. Walang kahirap-hirap niyang tinatalo ang kanyang madaraanan. Maging si Hanna ay ganoon din, dahil sa ability at skills ni Hanabi na nasa kanyang katawan ay naging malakas siya bilang isang player. Nakadagdag din sa pwersa nina Nigito ang mga malalakas na players na dating kaanib ng World Society. Sumusulong na ang pwersa nina Nigito at hindi na ito mapigilan. "V-vice captain Poseidon... masamang balita po... Wala pong magawa ang ating pwersa laban sa kanila. Nabawasan po ang ating pwersa dahil sumanib sa kalaban ang lahat ng nag-abang sa Teleporting Plaza..." wi