INABOT na ng gabi sina Nigito sa paglalakad sa kabundukan ng Everlast. Marami silang mga nakalabang mga malalakas na AIs pero lahat ng iyon ay tinalo lang nila nang walang kahirap-hirap. Lalo na't si Nigito ay ginagamit ang Fantasy Mode. Napapansin ng binata na habang tumatagal ay nasasanay na siya sa paggamit nito. Pakiramdam niya ay may kung anong enerhiya ang dumadaloy sa kanyang katawan sa tuwing gagamitin ito. "Dito na muna tayo magpalipas ng gabi prinsesa..." wika ni Nigito na inilabas ang hihigaan at tutulugan ng prinsesa. Alam niyang kakaiba ang prinsesa, dahil likas sa mga players ang hindi natutulog. Pero ang dalaga, nagagawa nitong matulog. Katulad niya na nagagawa ring matulog sa loob ng game. Si Nigito naman ay agad na tumalon sa ibabaw ng isang malaking sanga. Kagaya ng p