NAPALUHOD na lamang si Kaji nang matapos ang napakalakas na skill na binitawan ng kalabang si Notaro mula sa itaas. Kung hindi nga niya ginamit ang kanyang skill na Maximum Barrier ay baka na-PK na silang lahat. Lahat ng mana niya ay naubos dahil doon at 25% na lamang ng kanyang HP ang kasalukuyang natitira sa buhay niya. Kasama niya sa ilalim ng malawak at makapal niyang light barrier sina Kinji at Gyaco. Naroon din sina Yuri na kasama si Snow. May limang members din ang Black Assassins na nakapasok doon. Sa kasamaang-palad din ay may tatlong BA members ang hindi nakaligtas sa Zeus Lightning ni Notaro. "Mahihirapan tayong talunin ang isang iyon. Masyado siyang mataas at hindi ito maabot ng mga range players..." "Isa pa, nalagasan pa kami ng mga kasama," dagdag pa ni Rinji, isa sa membe