NAKANGISING pinagmamasdan ni Zuba, ang isa sa apat ng vice-captain ng Shadows, si Death na kasalukuyang nakabulagta sa ibaba. Sira-sira na ang upper suit nito at nasa 20% na lamang ang natitirang HP. Si Zuba naman ay ang tanging natitira na lamang sa mga vice-captains ng kanilang guild. Kasalukuyan itong nakasakay sa ulunan ng pet na si Sounder, isang dambuhalang bat, at wala pang kabawas-bawas ang HP nito. "Bagsak na rin si Notaro..." sabi ni Zuba sa sarili na pinagmamasdan ang halos wasak ng kabuuan ng Ayers Village. "Mga mahihina... Ako na ang siyang kikilos ngayon at uunahin ko ang mahinang ito... Ginananana!" "Ngayon Sounder! Air Cutter!" wika ni Zuba sa kanyang pet at pagkatapos niyon ay nagliwanag ang pakpak nito. Namuo ang hangin malapit sa kanila at pagkatapos ay gumawa ng mala