NAGSITAKBUHAN palayo mula sa base ang lahat ng mga members ng Cursed Blood. Dinala ng mga ito ang mga female players na kanilang alipin. Lumayo na kaagad sila bago pa man magsimula ang laban ng kanilang captain laban sa blackswordman. Alam nila ang estilo ng kanilang kapitan, napakalakas ng mga atake nito na mismong ang pinaglalabanan ay nagagawang wasakin. Wala itong pakialam sa nasa paligid kaya kapag napapalaban ito ay mas pinipili na lamang nila ang lumayo at huwag nang panoorin. Si Prinsesa Hanna naman ay umiiyak pa rin pero mababakas sa mukha nito ang pag-aalala kay Nigito. Kanina, hindi siya makapaniwala na buhay pa ito dahil kitang-kita niya ang pagkasunog nito. Talagang seryoso ito na talunin ang game. "Balanar Quimera: Level 87 vs. Nigito Kuzuna: Level 70!" Nakangisi si Balana