Chapter 85: 2 Months

1702 Words

NAKATANAW sa labas si Kirito. Kasalukuyan siyang nasa isang kwarto sa mataas na bahagi ng isa sa mga buildings sa compound ng Nigimoto Company. Tanaw na tanaw niya mula sa transparent glass na window ang halos buong Metropolis. Natatanaw rin niya ang mga tila langgam na mga flying cars na lumilibot sa halos kabuuan ng lugar. Unti-unti na ring nagsisibukasan ang mga ilaw dahil papalubog na ang araw. Napatingin naman siya sa kanyang kanang palad. Marahan niya iyong iginalaw. Isinara nang dahan-dahan at muling binuksan. Nakakaramdam siya ng sensasyon dito na tila may hinahawakan siya. Nararamdaman pa rin niya ang kanyang espada. Napatanaw muli siya sa labas. Ang dumidilim na kalangitan naman ang kanyang pinansin. Totoo na itong langit. Hindi ito isang imahe sa loob ng game. Nakikita na rin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD