Chapter 80: Rebuild

1300 Words

Volume V: Heroes Quest Online and XRG13 CHAPTER 80: Rebuild ISANG buwan makalipas ang isang pangyayaring nagpahinto sa grupo ng Black Heroes. Taong 3015, buwan ng Pebrero. Nakatayo sa harapan ng isang puntod ang mga nakatalukbong na itim na mga players. Kasalukuyan silang nasa f*******n Island. Sa loob ng isang dungeon, doon nila inilibing ang katawan ni Nigito Kuzuna. Gumamit si Gyaco at Kinji ng Teleporting Scroll patungo sa Ayers Village dahil naka-register na ang area na iyon sa kanilang map. Kapwa sila napailing nang makitang muli ang wala nang buhay na katawan ng kanilang captain. Balot na balot ng natuyong dugo ang paitaas na katawan. Ang bungo nito ay may isang pahabang butas na pinamumugaran na ng mga uod nang kanilang makita. Umaalingasaw ang baho nito sa buong wasak na villa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD