Chapter 79: Farewell

2735 Words

NAPAHINTO sina Tobi sa pagtakbo nang biglang may dalawang player ang lumitaw sa kanilang harapan. Isang babae at lalaking player na parehong may edad na kung titingnan. Napahigpit sila sa pagkakahawak nila sa kanilang mga sandata. Sinundan iyon ng isang malakas na pagsabog sa entrance ng Ayers Village nang isang malakas na s***h ang biglang bumulusok patungo roon. "S-sina Yumi!" bulalas ni Tobi. Ngunit hindi sila basta-basta makaabante dahil tila hindi basta-basta ang dalawang player na lumitaw sa kanilang harapan. "Naka-invi sila kanina kaya hindi natin sila napansin. Isa pa, wala sa atin ang gumamit ng Gem of Truesight," seryosong sinabi naman ni Rinji na napahigpit sa pagkakahawak sa sariling sandata. Wala rin sa kanila ang may mataas na mastery ng Sensing Ability. "H-hindi ito magan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD