NAPAKABILIS na kumalat sa buong game ang isang balita. Lumabas sa notifications ng lahat ng mga players ang isang panibagong player na nakakuha ng mataas na Rank. Nigito Kuzuna: Rank 1! Marami ang nabigla nang mabasa ito. Ibig-sabihin, natalo ng black swordman si Kido Sukehiro. Hindi lang iyon, dahil nakuha ni Nigito ang 1st rank ay awtomatikong tataas lahat ang kanyang stats... Isa pa, ang level niya ay aabot sa Maximum Level, ganoon na rin ang kanyang Character skills. Ang mga taga-World Society ay nabahagyang naalarma sa balitang iyon. Mabilis nilang ipinatawag ang kanilang mga kaalyado at mga vice-captains. Alam ni Xenon na napakalaki ng posibilidad na magsimula na ang isang napakalaking laban. Pinagmasdan ni Xenon ang kanyang siyam na vice-captains at limang captains mula sa mga g