MARAMING mga players sa Normal World ng HQO ang biglang naalarma nang biglang nagpakalat ng isang balita ang World Society sa lahat. Isang public execution ang gagawin ng Guild na ito. Papatayin nila sa New World ang tatlong players ng Black Heroes na sina Asuna, Kaji at Nami. Ang plano nilang patayin ang mga ito kapag nakita ay nagbago nang kumalat ang balitang si Nigito Kuzuna na ang Rank 7. Naisipan ni Xenon na gawin ito para ipakita sa lahat ang kanilang pwersa at para mapapunta sa New World ang mga kalaban nila. Para papuntahin si Nigito Kuzuna sa mga ito... upang doon patayin kasama ng grupo nito. Bago pa man kumalat ang balitang iyon, isang malaking pwersa ang gustong sumama kay Nigito Kuzuna sa pagpapabagsak sa World Society. Ang number 1 guild sa game, ang Dark Cursed! Matapos n