Apple’s POV Narito na ang araw na pinaka hihintay naming lahat. Ang araw ng pinaka huling kalokohan ko bago ako grumaduate. Wala si Ate Anje which is perfect. Ang naiwan lang si Ate Annica at Mama. Demonyita kasi iyong si Ate Anje. Presensya nya palang ay paniguradong sira na ang plano. Ala singko ang call time sa Senior Night pero plano naming ala sais dumating para hindi gaanong agaw pansin. Mauuna din kaming umuwi para at tatambay kina Jannah para hindi mahalata. Kunyari hindi rin umattend sina Jannah at Venice kaya tumambay nalang kami kina Jannah at nag panggap na umattend kuno. Ala singko kailangan ay maka-alis na ako dito dahi aayusan ko pang sarili ko. Narinig kong ang pagpasok ni Ate Annica sa kwarto nya, hanggang mamaya na iyon doon dahil kausap na noon si Adrian. S