Apple’s POV “Pasensya na Apple, pero sana maintindihan mo ang desisyon namin. “ ani Mama isang gabi, ilang araw bago ang Senior Night. Sinabihan nila akong hindi ako sasali sa Senior Night. Gustuhin man daw nila ay natatakot pa rin sila para sa akin. Kahit pa sinabi na nila Jannah na hindi nila ako iiwan. Pero kahit ano pang sabihin nila, magkikita-kita pa rin tayong lahat sa Senior Night. Kahit pa magpakita sa akin si Matthew, sya nga ang dapat mag tago dahil oras na makita ko sya ay paniguradong sa presinto na ang diretso ko. “ Wag ka mag alala Apple, limang taon nating pinag planuhan ito! “ ani Jannah ng matapos kaming pag usapan ang plano naming pagtakas sa prom night. Si Jannah at Venice lang ang nandito sa bahay ngayon. Wala silang palya kung dumalaw, si Alle