Diretso akong umuwi pagkatapos ng pag wa-walkout ko. Dinaig ko pa si janna pag bwiset na bwiset na sa room di nag wa-walkout yun. Gusto kong ngumiti pag naalala ko yung pananakot nyang mag wawalk out sya. Pero wala ako sa mood ngumiti. I felt betrayed, even by my own friends. Pag kadating ko sa bahay dumiretso ako sa kwarto ko, at natulog nalang, kahit ako nagulat na hindi na ko kumain, can you believe that? Si Apple di kumain? Oh well siguro ganun talaga pag sama ang loob, ayoko ding pag usapan lahat ng nangyari sa hapag dahil paniguradong pipilitin ako ng pamilya ko. Mag iisip muna ako ng magandang palusot kung bat maaga ako umuwi at natulog agad. Kinabukasan pag gising ko alas nuebe na ng umaga, 8am ang pasok ko. Magaling talagang makaramdam ang magaling ko mother. Ako