Sa Shotgun seat ako naka upo habang si Annica at Adrian ay nasa backseat at nag lalandian. Bwiset. May dalang sasakyan si Adrian at dahil alam nyang marunong mag drive si zaikel ay sinamantala nya ang pagkakataon. Pasalamat nalang ako at may lisensya na si zaikel dahil mukhang walang pake si Adrian kung meron o wala. At oo, kasama si zaikel. Ang mokong di man lang nag isip ng 5 seconds at um-oo na agad. Excited ka mag EK boss? Well excited din ako and I plan to ride every goddamn ride in that place para lang di ko maka usap ang mokong na to. Bakit kelangan nya po puntahan sa bahay? Di ba sya makapag hintay ng Monday? 2 days palang ako nakakapag isip isip, excited again kuya? Tahimik ang buong sasakyan, mukhang nanonood ng kung ano sa cellphone yung dalawa sa likod. Tahimik din