'Oh, Shira wait! Did Jared tell you na magkasama kami sa Cebu?' Naibagsak ko ang tinidor ng muling maalala ang sinabi ni Sandra. "Anak, may problema ba?" Natigilan ako. Nalimutan kong nasa harap ko nga pala si Papsi. "W-wala po Papsi," sagot ko. Shira umayos ka nga! "Sigurado ka anak? Kanina ko pa napapansin ang pagkalutang mo?" "P-pagod lang ako Papsi sa school," pagdadahilan ko. Nakahinga ako ng maluwag dahil mukhang naniwala naman si Papsi, sabi niya tapusin ko na daw ang pagkain ko at mamahinga. Pinilit kong ubusin ang pagkaing na sa harap ko kahit simula pa lang ay wala talaga akong gana. "Syanga pala anak, tumawag sa 'kin si Tita Elise mo," nakangiting sabi ni Papsi noong nililigpit namin ang pinagkainan. "Si Tita Elise?" sabi ko. "Oo, anak." "Bakit daw Papsi?" tanong ko.