KAGAYA ng text ni sir Jared, noong dismissal ay sabay kaming umuwi. Hinatid niya ako sa mismong apartment namin. Heheh. Kilig na kilig na naman po si Shira! "Sir! Pasok muna po kayo dali!" Akit ko pagkabukas ng gate. "You sure? Wala pa dyan si Tito." "Oo naman sir, wala si Papsi dito mamaya pa po ang dating nun," sagot ko, Napansin kong parang nag-aalangan si sir pumasok bigla akong natawa dahil sa naisip. Hahaha! Si sir! Talaga tsk..tsk. "Halika na sir Jared! Wala naman po tayong gagawing kung ano," natatawa kong sabi. "Huh? Wala akong iniisip na gano'n Miss Gonzales," depensa ni sir Jared habang namumula ang tenga. Ang cute niya! Binibiro ko lang naman! Hahah. "Ibig ko sabihin sir ay kilala ka naman ni Papsi, kaya po tara na." Saglit niya muna ako tinignan at bumuntong hininga