NOONG weekend maaga akong sinundo ni Sir Jared para pumunta sa unit niya. "Babe, anong gusto mong lutuin ko?" tanong ko habang papasok kami ng grocery store. Nagdecide muna kaming dumaan dito bago magpunta sa condo. "Sir Jared nakatingin sila sa 'yo," Inginuso ko pa iyong mga girls na nakatingin sa babe ko. Hay! Ang hirap hirap talaga kapag may guwapo kang boyfriend. Tumawa si Sir ng mahina at inakbayan ako. Mabilis na gumuhit ang ngiti sa labi ko dahil sa ginawa niya. "Lika na Sir mamili na tayo." - Almost ten am na ng dumating kami sa unit ni Sir Jared. Inihanda ko na ang mga ingredients para sa lulutuin kong adobo. Samantalang si Sir Jared naman ay seryosong nagbabasa ng libro. Hindi ko maiwasan ngumiti sa sitwasyon namin. Ang dami daming magagandang pumapasok sa isip ko. Ang to