SUNOD na mga Linggo parehas kaming naging abala ni Sir Jared sa work. Nagkaroon pa siya ng seminar sa Palawan for two weeks kung pwede nga na kasama ako kaso hindi dahil pinili lang ang mga professors na pinapunta dun. Hay! sobrang miss ko na tuloy si Sir Jared dahil three days pa ang hihintayin ko bago siya makabalik. Although, nagkakausap kami thru text, chats and video call hindi pa din yun sapat dahil iba pa rin ang personal. Kasalukuyan akong abala sa pageencode ng grade nang biglang tumunog ang cellphone ko. Irven? Oo tama si Irven nga! Teka tumatawag siya. "Hello! Irven!" masigla kong bungad dito. Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya. Napangiti ako. Ilang buwan na rin noong huli kaming mag-usap. (Kumusta na Miss Shira?) "Ito okay lang busy sa work." (Naks! Pwede b