"Ma'am okay lang po ba kayo?" Napakurap-kurap ako at napatingin sa estudyante kong lalaki. Waah! Shira umayos ka nga! Lanyang kissing scene kanina! Hindi pa rin ako nilulubayan. Umayos ako ng tayo at tumikhim sabay ngiti. "Again, I'm Darlene Shira Gonzales your new instructor." Pinilit kong magconcentrate mabuti na lang ay naging matanong ang mga students sa 'kin kaya panandalian kong nalimutan ang nangyare samin sa faculty ni sir. LUNCH time. Mabilis ang kabog ng dibdib ko habang papunta sa parking lot kung saan hinihintay ako doon ni sir Jared. Noong matanaw ko siya hindi ko pa rin mapigilan ang mangiti habang namumula magkahalong ilang at saya ang nararamdaman ko. "I thought hindi kana sasabay sa 'kin sa pagkain," sabi ni sir noong nasa byahe na kami papunta sa isang fastfood.